Manila, Philippines – Posibleng maharap sa parusang kamatayan sa pamamagitan ng bitay ang mga employer ng Pinay OFW na si Joanna Demafelis kapag napatunayang guilty ang mga ito.
Sabi ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa, ito ang ipinapataw na parusa sa mga may kasong murder sa Kuwait.
Matatandaang kamakailan lang ay halos magkasunod na naaresto ang mga employer ni Joanna na sina Nader Essam Assad na isang Lebanese at si Mona Hassoun na isang Syrian.
Ang mga labi ni Joanna ay nakita sa loob ng freezer sa isang apartment sa Kuwait.
Facebook Comments