BUHAY ESPIRITWAL | Higit 40% ng mga Pilipino ang nakakapagsimba sa kanilang lingguhang religious services – SWS

Manila, Philippines – Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 46% ng mga Pilipino ang nakakapagsimba weekly, 34% naman ang monthly o isang beses sa isang buwan nakakapagsimba habang nasa 19% naman ang occassionally.

Nasa 0.4% naman ang hindi dumadalo sa mga religious services.

Pinakamarami pa ring nakakadalo sa kanilang lingguhang pagsamba ay ang mga Muslim (98%), kasunod ang mga iba pang Christian religion (67%), Iglesia ni Cristo (58%) at mga Katoliko na nasa 41%.
Isinagawa ang survey mula December 8 hanggang 16, 2017 sa 1,200 adult respondents.


Facebook Comments