Naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino na lumala ang kalidad ng kanilang buhay ngayong taon.
Sa National Mobile Phone Survey ng Social Weather Stations (SWS), 79% ng respondents ang nagsabing lumala ang kanilang buhay nitong Hulyo.
Ito ang ikalawa sa pinakamataas na naitala ng SWS, kung saan narekord ang 83% na pinakamataas noong Mayo.
Nasa 12% naman ang nagsabing walang nagbago sa kanilang buhay, habang 8% ang naniniwalang gumanda ang kanilang buhay.
Ang mga lumabas na datos ay “catastrophic” kung saan naitala ang pinakamababang rating sa Visayas na nasa -75, kasunod ang Balance Luzon (-74), Metro Manila (-71), at Mindanao (-65).
Isinagawa ang survey mula July 3 hanggang 6, 2020 sa 1,555 Filipino adult respondents.
Facebook Comments