Buhay ng mga taga-Metro Manila at kalapit na lalawigan, hindi pa maibabalik sa normal kahit matapos ang ECQ at GCQ

Hindi pa makakabalik sa normal na pamumuhay ang mga taga-Metro Manila at mga kalapit lugar na hanggang ngayon ay nasa ilalim pa rin ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ito ang inihayag ni Police Lt. General Guillermo Eleazar na siyang Commander ng Joint Task Force COVID-19 Shield dahil sa marami ang nag-iisip na maibabalik sa dating normal na pamumuhay ang lahat.

Aniya, kung ano na ang mga nakasanayang health protocols sa ilalim ng ECQ ay siya ring susundin kapag lumipat na sa General Community Quarantine (GCQ).


Pangunahin na rito ang pagsusuot ng face mask kapag lumalabas at palaging pagsunod sa social or physical distancing na siyang ‘new normal’.

Giit ni Eleazar, hangga’t hindi pa natatapos ang problema sa COVID-19, mananatili sa ‘new normal’ ang buhay ng mga Pilipino lalo na sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Facebook Comments