BUHAY RIN ANG KAPALIT | Pagbitay sa mag-asawang employer ni Joanna Demafelis, nais mapanood ng mga magulang nito

Manila, Philippines – Nais mapanood ng mga magulang ng nasawing Pinay overseas worker na si Joanna Demafelis ang pagbitay sa mag-asawang employer nito.

Ayon kay Eva, ina ni Joanna, hinding hindi nila mapatatawad ang mga amo ng kanilang anak na sina Nader Essam Assaf at Mouna Hassoun.

Pero nanindigan din ang pamilya Demafelis na hindi sila magpapa-areglo sa mag-asawang suspek.


Nabatid na maaari pa ring iapela ng mag-asawa ang sentensiya kung sila’y babalik sa Kuwait.

Sa batas kasi ng Kuwait, maaaring makaiwas sa bitay ang isang sinentensiyahan kung siya’y patatawarin ng pamilya ng biktima at kung magbabayad ang sentensiyado ng “blood money” o halaga ng danyos sa naiwang kaanak.

Sa kabila nito, iginiit ni Senior Deputy Executive Sec. Menardo Guevarra na mananatili pa rin ang deployment ban ng mga OFWs sa Kuwait.

Facebook Comments