BUHAYNIHAN: NATIONAL SIMULTANEOUS CEREMONIAL PAYOUT PROGRAM NG DSWD, ISINAGAWA SA REHIYON UNO

Patuloy na isinagawa sa iba’t ibang lugar sa rehiyon uno ang isang programang nagpapakita ng suporta sa lahat ng Persons with Disabilities o PWDs sa rehiyon bilang pakikiisa sa International Persons with Disabilities ngayon taon.
Ito ay sa bisa ng Memorandum Circular No. 20, series of 2022, makakatulong sa mga benepisyo nito sa pamamagitan ng programang BUHAYNihan: National Simultaneous Ceremonial Payout ng programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services – Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay – Cash for Work for Persons With Disabilities ng ahensya kung saan tinatayang mahigit sa 12,000 na PWDs dito sa Rehiyon 1 ang mabebenepisyuhan nito at patuloy pa rin itong isinasagawa sa iba’t ibang lugar sa rehiyon ang programa.
Layunin ng programa na bigyan ng pagtingin at halaga ang mga kakayahan, karapatan at ambag ng mga PWDs sa lipunan kahit na sila ay mayroong kapansanan.

Ang BUHAYNihan o Buhay at Bayanihan para sa Mamamayan CFW for PWDs ay isang paraan ng ahensya at ng kasalukuyang pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng sektor ng PWDs sa bansang Pilipinas. | ifmnews
Facebook Comments