Buhi, CamSur // High Value Drug Personality, Patay sa Buy-Bust Matapos Manlaban

14

Patay ang isang drug personality makaraang lumaban ito sa mga arresting officers kaugnay ng buy-bust-operation kahapon ng hapon sa bayan ng Buhi sa Camarines Sur.
Nagsagawa ng operasyon ang PNP Buhi sa pakikipagtulungan ng Regional Drug Enforcement Unit at PDEA.
Target ng nasabing operasyon ang isang John Alfred Lleno alyas “One Eye”, edad 33, at residente ng barangay Santa Justina ng nabanggit na bayan.
Ayon sa report, kasado na ang transaction kung saan isang pulis ang nagkunwaring buyer ng droga mula sa suspect.
Nang magbigay na ng signal ang pulis sa kanyang mga kasamahan, nakatunog ang suspek sabay bunot ng baril na nakasukbit lamang sa kanyang tagiliran. Una umanong nakapagpaputok ang suspect kaya’t napilitan ang mga PNP Operatives na depensahan ang kanilang sarili at gumanti ng putok para ma-neutralize ang suspect.
Malubha ang mga tama ng suspect na nagresulta sa kanyang kamatayan.
Sinikap pa siyang dalhin sa pagamutan ng rescue team ng bayan ng Buhi subalit subalit idineklarang dead-on-arrival ng attending physician.
Narekober din sa suspect ang 9 pang sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu, caliber 38 revolver at mga bala.
# Mps Buhi Csppo
# DWNX Kwarenta Y Singko

Facebook Comments