Tiniyak ngayon ng Department of Budget and Management na hindi magiging dahilan ng pagkabalam ng mga Infrastructure projects ng Pamahalaan ang Election Ban.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, maipapasa na naman ang 2019 National Budget sa kalagitnaan ng Marso bago pa maging epektibo ang Election Ban sa mga Government Projects.
Sinabi din ni Diokno na nakapagbigay na sila ng request sa Commission on Elections para sa exemptions sa Election ban para sa proyekto at tiwala naman aniya sila na maaaprubahan ang mga ito.
Tinataya aniyang aabot sa 200 infrastructure projects ang nasimulan na at ang iba ay mga bagong proyekto.
Samantala sinabi naman ni Diokno na sa isang linggo ay maibibigay na nila sa Office of the President ang panukalang 2019 National Budget para ito ay mapagaralan at ibalik sa kanila sa DBM para sa statement of diference bago ito malagdaan ng Pangulo.