BUILD BUILD BUILD PROGRAM | Malacañang, tiwalang dadami ang trabaho dahil sa infrastructure programs ng Duterte Administration

Manila, Philippines – Positibo ang Malacañang na dadami pa ang trabaho para sa mga Pilipino dahil sa ipinatutupad na massive infrastructure development program.

Tugon ito ng palasyo kasunod na 1st quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) na aabot na sa 10.9 million na Pilipino ang walang trabaho sa bansa.

Mataas ito sa 7.2 million noong December 2017.


Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maraming trabaho at oportunidad ang magagawa ng build-build-build program ng Administrasyong Duterte.

Sinabi ni Roque, na tumaas ang joblessness dahil sa mga bagong batch ng college graduates na naghahanap ng trabaho at ang mga seasonal jobs tuwing pasko.

Facebook Comments