Build, Build, Build Program, mas magbubuhos ng proyekto sa Visayas at Mindanao

Manila, Philippines – Mas tututukan ng Build Build Build Program ng administrasyong Duterte ang Visayas at Mindanao.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles, ito ang orihinal na plano kung saan sa Visayas at Mindanao ipinatatayo ang mga imprastraktura upang magawang makipagsabayan sa pag-unlad.

Sinabi pa ng mambabatas na isa ang Mindanao sa nais patutukan ng Presidente na mapaglalaanan ng infrastructure projects lalo na ang pagbangon muli ng mga taga-Marawi.


Aniya kung nakikita ng mga constituents ang local growth sa kanilang lugar ay masusundan na ito ng pag-angat sa ekonomiya, pagdagsa ng mga investments at trabaho para sa mga Pilipino.

Tiniyak naman ni Nograles na kahit suportado nila ang paglalaan ng 3.6 Trillion na budget para sa pagpapatayo ng mga imprastraktura ay dadaan pa rin ito sa masusing proseso ng budget hearing sa Kamara.

Ang 3.6 Trillion na pondo para sa nasabing programa ay hahatiin para sa 2018, 2020 at 2022.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments