Manila, Philippines – Nakatakdang sampahan ng kaso sa Ombudsman ang ilang opisyal ng Manila City Hall at isang kilalang negosyante dahil sa paglabag sa National Building Code o Presidential Decree No. 1096 kaugnay sa itinayong 14-storey building sa Chinatown, Binondo.
Nasa ‘hot water’ ngayon si Manila City Building Official Rogelio Legaspi at ang building owner na si Gerry Chua, dahil sa reklamo ni Barangay Chairman Nelson Ty ng Brgy 289 Zone 27 sa akusasyon na nagsabwatan ang dalawa na sakupin pati ang public property at balewalain ang set back o easement rule na nakasaad Rule X ng P.D. 1096 o ang National Building Code of the Philippines.
Sa ilalim ng P.D. 1096, kinakailangan may 3 metro kaluwagan o pagitan sa harapan ng isang gusali mula sa property line ng lote bilang lugar pampubliko, nguni’t, sa kaso ng building ni Chua sa Ongpin Street, ayon kay Ty, hindi ito ipinatupad ni Engr. Legaspi, bagkus pinaboran pa nito, kahit labag sa batas na ikinadismaya ng Fil-Chinese Community.
Isasabit din sa kaso ni Chairman Ty si Chua, dahil aniya, niloko sila at ng contractor nito ang Ironcon Builder and Development Corp nang isyuhan niya ng permit para sa konstruksyon ng kanyang gusali, subalit sa kasunduan na susundin nito ang nakasaad sa Bldg. Code.
Ayaw munang magbigay ng komento si Engr. Legasoi hanggat wala pang hawak na dokumento.