BUKAS NA | 2 karagdagang lanes ng Napindan bridge, binuksan na

Taguig – Mas bibilis na ang biyahe mula Bicutan papuntang Taytay at vice versa, makaraang buksan ang dalawang karagdagang lane sa Napindan bridge II sa Taguig City, ngayong araw.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, malaki ang ambag ng dalawang lanes na ito dahil bago buksan ito, ay dalawang lanes lamang ang nadadaanan ng mga motorista.

Ang Napindan Bridge II ay may habang 152-lineal meter bridge na parte ng Laguna Lake Highway Project, Taguig section.


Ang tulay na ito ay magko konekta ng sa river boundaries ng Taguig at Pateros, na inaasahang magbabawas sa traffic congestion sa mga major roads tulad ng EDSA at C5.

Facebook Comments