Manila, Philippines – Naniniwala ang pamunuan ng Philippine Airlines na makahihikayat ng turismo sa bansa ang bagong bukas na ruta ng Four Star carrier papuntang Sapporo’s New Chitose Airport Japan.
Sa ginanap na presscon sa Manila sinabi ni PAL President and COO Dr. Jaime Bautista na umaabot lamang ng anim na oras mula NAIA papunta Sapporo New Chitose Airport kung saan noong nakaraang taon ay umaabot sa 580 libong pasahero papuntang Pilipinas galing bansa Japan.
Paliwanag ni Bautista ang bansang Japan ang pang apat sa turismo nanguna ang China,pumapangalawa ang South Korea sinundan ng Amerika.
Ayon naman kay Daisuke Tonai Executive Director Japan National Tourism Organization umaabot sa 220 libo na turista ang pinakamataas na bilang ng mga turista na dumadalaw sa Japan kung saan inaasahang madodoble ngayong taon sa Sapporo New Chitose Airport.
Sa panig naman ni PAL Marketing Vice President Ria Domingo ang A321 neos ay mayroong 168 seater Airbus, 12 seats sa Business class at 156 seats Economy Class layon ng PAL maisulong ang turismo ng Pilipinas sa Japan at sa buong mundo.