BUKAS NA | Passport application, renewal ngayong araw back to normal na

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na simula ngayong araw ay balik na sa normal ang operasyon ng kanilang consular offices.

Ito ay makaraang lumabas na ng bansa ang bagyong Ompong.

Sa abiso ng DFA ang lahat ng typhoon-affected applicants na mayroong confirmed appointments mula September 13-15 2018 ay ia-accommodate sa ilang consular offices magmula ngayong araw, September 17 hanggang September 28.


Kabilang dito ang consular offices sa:
– DFA Aseana
– DFA NCR West – SM Manila
– DFA NCR Northeast – Ali Mall
– DFA NCR South – Alabang
– DFA NCR North – Novaliches
– DFA NCR East – SM Megamall
– Angeles, Pampanga
– Baguio City
– Calasiao, Pangasinan
– San Fernando, Pampanga
– San Fernando, La Union
– Santiago, Isabela
– San Nicolas, Ilocos Norte
– Tuguegarao, Cagayan

Kinakailangan lamang dalhin ng mga applicants ang print out copy ng kanilang confirmed online appointments kasama ang passport requirements.

Ang lahat naman ng entitled na gumamit ng courtesy lane facility ay ia-accommodate hanggang alas dose lamang ng tanghali ngayong araw hanggang September 21 upang bigyang daan ang mga passport applicants na naapektuhan ng bagyong Ompong.

Facebook Comments