Nanawagan ang Department of Health (DOH) Ilocos Region na simulan sa loob ng pamilya ang bukas na talakayan tungkol sa sexual health bilang bahagi ng paggunita ng World AIDS Day.
Ayon sa ahensya, mahalagang wakasan ang panghuhusga at palaganapin ang tamang impormasyon tungkol sa Human Immunodeficiency Viruses (HIV) at kalusugang sekswal upang maprotektahan ang bawat miyembro ng tahanan.
Bahagi sa panawagan ang aktibong pag-access sa DOH HIV Care Facilities kung saan maaaring makakuha ng libreng HIV testing, counseling, at iba pang preventive services.
Nitong Hulyo hanggang Setyembre lamang ng 2025 ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 5,000 bagong kaso ng HIV sa Pilipinas, kung saan karamihan sa mga bagong kaso ay naitala sa edad 18-anyos pababa.
Giit ng DOH, mahalaga ang bukas, tapat, at mahabaging pag-uusap upang matigil ang stigma at mapalakas ang kampanya laban sa HIV.






