BUKBOK FREE | Supply ng Bigas sa Pangasinan Ligtas mula sa Bukbok!

Sinuguro ng National Food Authority (NFA) Western Pangasinan na hindi apektado ng weevil o bukbok ang supply ng bigas sa lalawigan.
Ayon kay NFA Western Pangasinan Assistant Manager Chona Maramba, naitransport ng tama ang mga bigas, at nalilinis ang mga warehous nang maayos kaya hindi dapat mangamba ang mga consumers sa bukbok.
Dagdag pa niya ay aabot ng setyembre ang supply ng bigas kahit mataas pa ang demand dahil sa mga nangyaring pagbaha. Nasa tatlumpung libong bags pa ang nakalagay sa warehouse at handa namang magdagdag ang NFA Regional Office.

Facebook Comments