Manila, Philippines – Naniniwala ngayon ang Palasyo ng Malacañang na nagiging mas matibay ang desisyon ng Securities and Exchange Commission o SEC sa pagbawi ng Certificate of Incorporation ng Rappler matapos gawing donasyon ng Omidyar ang kanilang investment sa nasabing Online News Agency.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang pag-donate ng Philippine Depositary Receipts sa Rappler ng Omidyar ay malinaw na pag-amin ng paglabag nila sa saligang batas kung saan iniuutos na dapat ay 100% Filipino Owned ang isang media entity sa bansa.
Sinabi din nito na hindi makatutulong sa Rappler ang ginawa ng Omidyar dahil ginawa na nito ang krimen o ang paglabag sa batas.
Binigyang diin din nito na ang hakbang na ito ng Omidyar ay isang uri lang ng pagpapaikot sa batas.