Manila, Philippines – Sa imbestigasyon ng Bureau of Immigration (BI) na asylum seekers ang mga Iranian na pumasok sa bansa gamit ang Belgian passports.
Ayon kay Immigration Port Operations Division Chief Red Marinas, mula sa Middle East ay pumapasok ng Pilipinas ang naturang mga dayuhan.
Mula Manila aniya ay planong magtungo ng mga Iranian sa United Kingdom para sa asylum.
Bukod sa huling naharang na mag-iinang Iranian na may Belgian passports, pitong iba pang mga dayuhan na may gamit na Spanish passports ang naharang din ng Bureau of Immigration sa NAIA.
Kabilang na dito ang apat na lalaking Iranians, isang Somalian at dalawang Chinese.
Facebook Comments