BUKING │Tauhan ng Manila International Container Port, sinibak dahil sa pangingikil

Manila, Philippines – Sinibak sa pwesto ang tatlong tauhan ng Manila International Container Port matapos mahuling nangingikil sa mga truck driver.

Modus ng mga suspek na manghingi ng padulas sa mga truck driver para mas mabilis na makapasok sa pantalan.

Ayon kay Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña, nakunan ng video sa pier inspection division booth ng MICP ang truck driver na may inabot na mga papeles, ID at pera sa isa sa mga suspek na si Allan Pagkalinawan para makapasok sa pantalan.


Sinabi ni Lapeña, nabuko ang mga suspek nang mapansin nilang mabagal ang takbo ng pila ng truck.

Aniya, kasama ni Pagkalinawan sa mga nangingikil sa mga driver sina Efren Jaramillo at Bryan John Cruz.

Nakuha naman sa loob ng bag ni pagkalinawan ang mahigit P4,000 at P22,500 naman sa pitaka.

Pero giit niya, kinita niya ang nasabing pera sa kaniyang tindahan sa Pateros.

Facebook Comments