Bukod sa CAAP, iba pang ahensya ng gobyerno na nag-o-operate sa NAIA, nag-deploy na rin ng dagdag na tauhan sa airport

Bukod sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na heightened alert ngayong Yuletide season, nag-deploy rin ng karagdagang tauhan ang iba pang government agencies na nag-o-operate sa mga paliparan.

Kabilang dito ang Office of Transportation Security (OTS) at ang Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP).

Layon nito na maging maayos ang pagpapatupad ng minimum health protocols sa mga pasahero tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, pagpapairal ng social distancing, temperature checks, foot baths at ang paglalagay ng hand sanitizing stations.


Gayundin ang routine disinfection at inspection sa airport facilities sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.

Una nang hinimok ng ang mga pasahero na maghanda ng valid health forms at Local Government Unit (LGU) requirements para hindi sila maabala sa kanilang pag biyahe.

Facebook Comments