Magiging malawak ang imbestigasyon ng Malacañang sa usapin ng importasyon ng 300,000 metriko tonelada asukal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) at posible ring masilip ang iba pang isyu ng smuggling.
Ito ang tiniyak ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kung saan sinabi nito na hindi lamang ang kontrobersiyal na resolution no. 4 na inilabas ng SRA ang sisilipin kundi ang iba pang isyu.
Ayon kay Angeles, aalamin din aniya ng Malacañang kung gaano karaming opisyal ang nasasangkot at kung sinu-sino ang mga ito.
Una rito, pinaimbestigahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang sinasabing “illegal” na resolusyon na umano’y nagpapahintulot sa pag-angkat ng tone-toneladang asukal sa bansa.
Facebook Comments