BULABOG SA MRT | Hubot-hubad na babae, nagtatakbo sa riles

Manila, Philippines – Nabulabog ang mga pasahero ng MRT Guadalupe Station nang makita ang babaeng hubot-hubad na tumatakbo sa riles ng tren.

Ayon sa gwardya ng MRT, umakyat mula sa isang hotel ang babae, tumalon, at dumaan sa riles.
Nagpatulong sa gwardya ng MRT ang MMDA Traffic Enforcer kaya hinabol ang babae hanggang sa naabutan sa bahagi ng Buendia.

Tinigil pansamantala ang operasyon ng MRT kaninang umaga sa Guadalupe Station dahil sa pangyayari pero makalipas ang ilang minuto ay naibalik din naman ito agad.


Inaalam na ng pamunuan ng MRT kung totoong mayroong diperensiya sa pag-iisip ang naturang babae o di naman kaya ay bahagi ito ng umano’y pananabotahe sa naturang tren.

Matatandaan kasi na makailang beses na rin tumitigil ang operasyon ng MRT dahil sa mga technical problem na umani ng batikos ng publiko.

Facebook Comments