Cauayan City, Isabela – Nagulantang ang lahat ng delegado sa kasalukuyang 10th. National Union of Journalists of the Philippines National Congress matapos na ihayag ng NUJP Laguna Chapter na isang satanas ang pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pahayag ay kaugnay sa pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng NUJP chapters na magbigay ng mga kabutihan at kaganapan sa kanilang nasasakupan.
Pahayag pa ng Laguna Chapter na hindi na umano makatarungan ang ginagawa ng admistrasyong Duterte dahil sa patuloy na pagpaslang sa mga mamamahayag ng bansa.
Inihalimbawa dito ang panghuling pagpatay sa isang reporter sa Panabo City, Davao del Norter na si Dennis Wilfredo Denora.
Pagkontrol din umano sa mga mamamahayag lalo na ang mga miyembro ng NUJP na kritiko ng administrasyong Duterte.
Ang NUJP National Congress ay dinaluhan ng lahat ng chapters nito mula Luzon, Visayas at Mindanao.
Samantala ang 10th NUJP National Congress ay mula ika walo hanggang ika sampu ng Hunyo sa isang hotel ng Brgy. Laging Handa, Quezon City, kung saan isa ang Isabela Chapter na dumalo sa pamamagitan ni RadyoMan John Soriano ng DWKD 98.5 RMN Cauayan.