Bulacan Provincial Government, aapela kay Pangulong Duterte na irekonsidera ang planong ipagbawal ang paputok

Dudulog ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan kay Pangulong Rodrigo Duterte para muling pag-isipan ang plano nitong ipagbawal ang mga paputok sa susunod na taon.

Ayon kay Bulacan Governor Daniel Fernando, hihilingin nila sa Pangulo na i-regulate na lamang ang pagbebenta ng paputok at huwag nang ipatupad ang total firecrackers ban.

Aniya, tiyak na maraming mga taga-Bulacan ang maaapektuhan at mawawalan ng kabuhayan kapag ipinatupad ang pagbabawal sa paputok.


Sinabi naman ni Bocaue Fireworks Association President Lea Alapide, matumal ang bentahan ng paputok ngayong taon matapos na ipagbawal ng mga Metro Manila mayor ang paggmit nito ngayong Pasko at Bagong Taon.

Batay sa Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc., aabot sa 300,000 manggagawa ang mawawalan ng pagkakakitaan sakaling pagbawalan ang paputok sa buong bansa.

Facebook Comments