Buldon suportado ang panukalang paghati sa Maguindanao

61

Suportado ng LGU Buldon ang panukalang paghahati sa lalawigan ng Maguindanao.
Mas higit na matutukan ng Provincial Government ang mga pangangailangan ng mga residente ng bawat bayan sakaling mahati na ang Maguindanao ayon pa kay Buldon Mayor Manalao sa panayam ng DXMY.
Kaugnay nito, 100% ang suporta ni Mayor Manalao sa pagbuo ng panibagong probinsya mula sa Maguindanao. Sa katunayan aniya, dumalo ito sa isinagawang Committee Hearing sa Kongreso para ipakita ang pakikiisa sa hangarin ng mga mambabatas at ilan pang mga opisyales mula Maguindanao.
Inaasahang kabilang ang Buldon mula sa 12 bayan na bubuo sa isinusulong na Northern Maguindanao.

Facebook Comments