Buldon target na maging Coffee at Cacao Producers sa buong ARMM

Daang mga magsasaka sa bayan ng Buldon , Maguindanao ang nakabiyaya ng Coffee Seedlings mula sa Department of Agriculture.

Ito ang masayang ipinarating ni Buldon Mayor Abolais Manalao sa panayam ng RMN DXMY.

Sinasabing nasa 5,000 coffee seedlings ang itinurn over ngayong araw ng DA sa Karim High-Valued Crops Producers Cooperative.


Napakalaking tulong aniya ito sa mga magsasaka ng bayan ayon kay Mayor Manalao.

Noong nakaraang taong , beneficiary rin ang Buldon ng Coffee Seedlings mula sa World Foood Program.

Kaugnay nito , target ngayon ng Buldon na maging isa sa mga Coffee Producers di lamang sa buong lalawigan kundi sa buong rehiyon.

Maliban dito, nakatakda ring makabiyaya ng libo libong Cacao Seedlings ang Buldon sa susunod na buwan mula sa International Consultant Network (ICNet) Limited .

Sinasabing dating produkto na rin ng mga magsasaka ng Buldon ang Kape at Cacao noong dekada 70 ngunit natigil lamang sa pagpasok ng kaguluhan.

Lubos naman ang pasasalamat ng LGU Buldon sa pagbuhos ng mga proyekto at mga biyayang ipinagkakaloob sa kanila matapos ang naging matagumpay ng RIDO Settlement sa kanilang bayan.

Matatandang idiniklarang Rido Free na ang Buldon , bunsod na rin naging inisyatiba ng 37th IB, PNP at ng alkalde ng bayan.

Umaasa naman si Manalao na magtuloy tuloy pa ang kapayapaan at kaunlaran sa kanilang bayan. (DENNIS ARCON)

GOOGLE PIC

Facebook Comments