Buldon target ng maging Cacao Producer at Chocolate Manufacturer sa ARMM at buong bansa

Nagsagawa ng site visit ang mga opisyales ng LGU Buldon sa pangunguna ni Mayor Abolais Manalao kasama si Japan IC Net Technical Director Yukitoshi Matsumoto sa Cacao Plantation sa Brgy. Karim.

Layun nito ay lalo pang palakasin ang cacao farming sa mga liblib na komunidad ng bayan. Sinasabing mahigit tatlong libong seedlings ng cacao ang nauna ng naitanim sa Sitio Dimagalen. Karamihan sa mga farmer benificiaries ay nagmumula sa MNLF Community.

Lubos namang nagpapasalamat si Mayor Manalao at napili ng IC Net ang kanilang bayan na maging beneficiary ng kanilang “ Peace of Cacao Project” . Napalaking tulong aniya ito para sa kanyang mga kababayan at para sa buong LGU Buldon.


Kaugnay nito kapwa nangangarap si Mayor Manalao at Director Matsumoto na magsisilbing Cacao Producer at Chocolate Manufacturer ang Buldon sa mga susunod na mga panahon di lamang para sa ARMM kundi sa buong bansa at maging sa ibang bansa kabilang na ang Japan.
Kasama sa cacao plantation visitation ng LGU Buldon ang pamunuan ng 37th IB at BULDON MPS na kapwa nangako na magpapatuloy sa pagbibigay seguridad sa buong nasasakupan ng bayan.

Facebook Comments