Bulgarian national, hinarang ng Philippine Coastguard sa Zamboanga Port dahil walang maipakitang dokumento

Manila, Philippines – Papalabas sana ng bansa gamit ang Bongao , Tawi-Tawi ang isang Bulgarian national nang piigilin ng Philippine Coastguard sa pantalan ng Zamboanga City.

Ito ay matapos na walang maipakitang travel documents si Kavrakov konstantine Simeon.

Ayon kay CMDR Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG , sakay na ng MV Trisha Ferstain kahapon ang Bulgarian national nang sitahin ng vessel inspection team dahil walang maipakitang kaukulang dokumento.


May ipinapakita namang affidavit of loss ang dayuhan dahil nawala ang kaniyang pasaporte noong Abril.

Pinabeberipika na rin sa LTFRB ang nakuha sa kaniyang expired na Philippine non-proffessional driver’s license.

Dahil sa ipinaiiral na Martial law sa Mindanao, Maliban sa Zamboanga Port, hindi na maaring magbaba ng pasahero sa mga pribadong pantalan ang mga bumibiyaheng barko.

Ganito rin ang ipatutupad sa Basilan, Jolo, at Tawi- Tawi. upang hindi nakapuslit sa ibang lugar ang mga tumatakas na Maute ISIS sa marawi City.

Facebook Comments