Bulkang Bulusan, itinaas ng PHIVOLCS sa Alert Level 1

Itinaas sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Sa advisory ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong hapon, idinahilan nito ang serye ng volcanic earthquakes mula noong October 14.

Ito’y kung saan umabot na ito sa kabuuang 121 volcanic earthquakes.


May pamamaga rin sa bulkan na naobserbahan mula pa noong Pebrero ngayong taon.

Bunsod nito, kinailangang itaas ang Alert Level 1 o low level unrest.

Pinapaalalahanan pa rin ang mga Local Government Unit (LGU) at publiko na bawal at umiiral pa rin ang 4-kilometer permanent danger zone.

Facebook Comments