Muling nagkaroon ng phreatic eruption ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon kaninang alas 3:37 ng madaling araw.
Isang linggo ito makaraang sumabog ang bulkan noong June 5.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) director at Science Usec. Renato Solidum, tumagal nang 18 minuto ang naranasang steam-driven explosion sa bulkan.
Inabot din ng ashfall ang ilang bahagi ng bayan ng Juban, Casiguran At Magallanes.
Sa kabila nito, nananatili pa rin sa Alert Level 1 o nasa low-level unrest ang bulkan.
Sa ngayon, ayon kay Solidum, wala pa silang nakikitang senyales ng posibleng pag-akyat ng magma na maaaring magdulot ng mas malakas na pagsabog.
Facebook Comments