Monday, March 2, 2026

Bulkang Bulusan, nakitaan ng pagtaas ng aktibidad ayon sa PHIVOLCS

Nakitaan na ng pagtaas ng aktibidad ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon sa Bicol Region.

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 49 na volcanic earthquake at 16 dito ay volcano-tectonic earthquakes.

Ayon pa sa PHIVOLCS, ang pagtaas ng seismicity ay nagpapakita na may nagaganap na mga hydrothermal process sa ilalim ng bulkan at maaaring mangyari ang biglaang pagsabog na dulot ng singaw o phreatic eruption.

Nanatili namang mahina at katamtaman ang degassing activity mula sa summit crater at active vents nitong nakalipas na mga araw.

Napakahina rin ang paglalabas ng sulfur dioxide mula sa summit vents batay sa huling pagsukat noong Pebrero 26, 2026.

Nanatili pa rin sa Alert Level 0 ang status ng Bulkan, at wala pang inaasahang magmatic eruption.

Ipinagbabawal sa publiko ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone lalo na sa bahagi ng south-southeastern slopes ng bulkan.

Facebook Comments