Bulkang Bulusan sa Sorsogon, balik na sa normal na estado

Bumalik na sa normal na estado ang Bulkang Bulusan na matatagpuan sa Sorsogon province sa Bicol region

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakitaan na ng pagbaba ang monitoring sa Bulusan partikular ang aktibidad ng bulkan, surface activity, ground deformation at pagpapalabas ng gas.

Unang isanailalim sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan nitong Mayo dahil sa pagtaas ng mga niatatalang aktibidad nito.


Bagama’t napababa na ang banta, pinayuhan ng PHIVOLCS ang publiko na iwasan na ang pagpasok sa four-kilometer permanent danger zone dahil sa posibleng rockfalls at pagguho ng lupa.

Facebook Comments