Patuloy na nagpapakita ng aktibidad ang Bulkan Kanlaon at Bulkan Bulusan.
Ito’y batay sa ginagawang monitoring Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa datos ng PHIVOLCS, nakapagtala ng 21 volcanic earthquakes ang Bulkan Bulusan at nasa 556 na tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga nito.
Nakita rin ng PHIVOLCS ang katamtamang steaming ng Bulkang Bulusan na aabot naman sa 100 metro.
15 volcanic earthquakes naman ang naitala sa Bulkang Kanlaon kung saan may lumabas rin na mahinang pagsingaw.
Sa kabila ng ipinapakitang aktibidad, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang mga Bulkang Bulusan at Kanlaon habang pinag-iingat pa rin ng PHIVOLCS ang mga residente na nakatira malapit sa dalawang bulkan.
Facebook Comments