Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng abo ngayong umaga

Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon kaninang alas-7:30 ng umaga kanina.

Kung saan umabot ang aktibidad ng labing dalawang minuto, alas-7:42 a.m.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na umabot sa 300 meters ang taas ng ibinugang abo mula sa bukana ng bulkan bago magtungo sa direksyong timog-kanluran.

Samantala, naitala naman ang walong volcanic earthquake ang Bulkang Kanlaon sa loob ng 24 oras, 12 ng madaling araw kahapon, November 1 hanggang 12 ng madaling araw kanina.

Nakataas pa rin sa alert level 2 ang nabanggit na bulkan kung saan ibig sabihin ay ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 4 kilometer radius permanent danger zone.

Facebook Comments