Bulkang Kanlaon, nagbuga ng abo ngayong umaga

Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon mula sa main crater nito kaninang 5:54 ng umaga.

Kung saan tumagal ito ng humigit-kumulang anim na minuto at nagtapos ng 6:00 a.m.

Umabot sa 75 meters ang ibinuga nitong abo mula sa main crater ng naturang bulkan.

Sa ngayon ay nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon.

Kung saan ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa four kilometer radius permanent danger zone at pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa bukana ng bulkan.

Facebook Comments