
Patuloy ang volcanic activities ng Bulkang Mayon at Kanlaon sa loob ng 24 oras.
Kung saan nagkaroon ng weak ash emmission ang Bulkang Kanlaon na nag-umpisa kaninang alas-5:55 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot ang taas ng ibinuga nitong abo hanggang 350 meters mula sa crater nito.
Kagabi naman ay nagkaroon ng incandescent rockfall ang Bulkang Mayon alas-10:46
Kung saan nakapagtala naman ang PHIVOLCS ng 85 rockfall sa nabanggit na bulkan sa loob ng 24 oras.
Nananatili namang nakataas sa alert level 2 ang dalawang bulkan.
Facebook Comments










