Nadagdagan pa ang aktibidad sa bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Base sa huling obserbasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot sa 10,449 metric tons ng sulfur dioxide o asupre ang ibinuga ng bulkan kahapon.
Nakapagtala rin ng 55 volcanic earthquakes sa lugar sa nakalipas na 24 oras.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang alert level 2 sa bulkan kung saan mahigpit na ipinagbabawal sa publiko ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) nito.
Bawal din bumyahe ang mga aircraft malapit sa bunganga ng bulkan lalo’t posibleng magkaroon ng biglaang phreatic o stream-driven eruption sa lugar.
Facebook Comments