Inalerto ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residente malapit sa Bulkang Kanlaon matapos magpakita ng abnormalidad ngayong umaga lamang.
Ayon sa PHIVOLCS, nagkaroon ng ashing event ang bulkan dakong alas-6:37 hanggang alas-9:25 kaninang umaga.
Posible pa rin ang mga short-lived explosive eruptions at ash emissions sa bulkan.
Ang ibinugang abo ng bulkan ay may taas na 500 metro mula sa bunganga ng bulkan.
Nasa 78 na volcanic earthquake naman ang naitala ng PHIVOLCS sa Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.
Nananatili sa Alert Level 2 o moderate level ng volcanic unrest ang Kanlaon.
Facebook Comments










