Saturday, February 28, 2026

Bulkang Kanlaon, nakapagtala ng 6 na volcanic earthquake—PHIVOLCS

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 6 na volcanic earthquake, kabilang ang 2 volcanic tremors na may 6 hanggang 39 minuto ang haba sa Bulkang Kanlaon sa loob ng 24 na oras.

Samantala, nakapagtala din ang ahensya ng 2,062 tonelada ng sulfur dioxide flux.

Ang nasabing plume o steaming ay may malakas na pagsingaw na umabot sa 1,000 metrong taas mula sa crater at napadpad sa timog-kanluran at timog.

Mayroon ding pamamaga ng dalisdis ng Bulkang Kanlaon o ground deformation.

Nananatili namang nasa Alert Level 2 ang nasabing bulkan.

Nag-abiso naman ang ahensya sa publiko na bawal pumasok sa 4 na kilometrong radius permanent danger zone at magpalipad ng sasakyang panghimpapawid malapit sa tuktok ng bulkan.

Facebook Comments