Bulkang Kanlaon, nakapagtala ng 7 volcanic earthquakes; 13 beses na pagbubuga ng abo

Sa bagong datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Kanlaon, nakapagtala ito ng 7 volcanic earthquakes sa loob ng bente kwatro oras.

Naitala rin ang aktibidad ng bulkan kung saan ito ay nagbuga ng abo labing tatlong beses kung saan tumagal ito ng dalawang minuto hanggang isang oras at walong minuto.

Bumaba naman ang asupre na nilalabas nito na umabot sa 3999 tons kumpara kahapon na umabot ito sa 7019 tons.


Patuloy pa rin ang ahensya sa pagpapaalala sa posibleng maganap habang ang bulkang ay nakataas pa rin sa Alert Level 3.

Facebook Comments