Inanunsyo ng Philippine Institute Volcano logy and Seismology o PHIVOLCS na patuloy ang aktibidad ng Mt. Kanlaon sa Negros Island.
Base sa pinakahuling datos na inilabas ng PHIVOLCS, umabot sa 2,792 tonelada ng sulfur dioxide o asupre ang naitala sa bulkan sa nakalipas na 24-oras at mayroon ding naitalang 300 meters na taas ng plume o katamtamang pagsingaw bukod pa sa 1 volcanic earthquake.
Nanatili namang nakataas ang Alert Level 2 sa Bulkang Kanlaon kung saan posible pa rin Phreatic Eruption o biglaang pagputok ng stream.
Paliwanag ng PHIVOLCS mahigpit pa rin ipinagbabawal ang paglipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa Buklang Kanlaon.
Facebook Comments