Bulkang Kanlaon, patuloy na naglalabas ng asupre sa nakalipas na 24-oras —PHIVOLCS

Inanunsyo ng Philippine Institute Volcanology and Seismology o PHIVOLCS na patuloy ang aktibidad ng Mt. Kanlaon sa Negros Island.

Base sa pinakahuling datos na inilabas ng PHIVOLCS, umabot sa 2,792 tonelada ng sulfur dioxide o asupre ang naitala sa bulkan sa nakalipas na 24-oras at mayroon ding naitalang 300 meters na taas ng plume o katamtamang pagsingaw bukod pa sa 1 volcanic earthquake.

Nanatili namang nakataas ang Alert Level 2 sa Bulkang Kanlaon kung saan posible pa rin Phreatic Eruption o biglaang pagputok ng stream.


Paliwanag ng PHIVOLCS mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paglipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa Buklang Kanlaon.

Facebook Comments