Bulkang Kanlaon, patuloy sa pagbuga ng abo – PHIVOLCS

Nakapag-tala ang PHIVOLCS ng tatlong ash emission events o pagbuga ng abo ng Bulkang Kanlaon sa Negros ngayong araw.

Sa time-lapse footages, nagbuga ng abo ang bulkan kaninang alas-7:04 ng umaga, 8:26 ng umaga, at sinundan ng 9:23 ng umaga.

Umabot ng tatlong daang metro ang taas ng ibinugang abo mula sa bulkan.

Ang naturang aktibidad ay na-record ng IP camera sa Kanlaon Volcano Observatory.

Nanatiling nakataas ang Alert Level 2 sa paligid ng Mount Kanlaon.

Facebook Comments