Bulkang Kanlaon, posibleng sumabog —PHIVOLCS

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa posibleng pagputok ng Bulkang Kanlaon kasunod na rin ng naoobserbahang pagdami ng ground deformation sa nakalipas na mga buwan.

Ayon sa PHIVOLCS, ang pamamaga ng bulkan ay naobserbahan mula noong 2022 subalit mas dumami ito mula Hunyo 18, indikasyon ito na may mga aktibidad sa loob ng bulkan.

Sa halip na mabawasan ay kinakikitaan ang bulkan ng paglawak ng pamamaga.


Maliban sa pamamaga sinabi ng Phivolcs na nagkakaroon din ng mas maraming volcanic earthquake activity at tumataas ang volcanic sulfur dioxide (SO2) emissions.

Sa ngayon ay nakataas ang Alert Level 2 sa Kanlaon na nangangahulugan na may banta ito ng pagsabog.

Mahigpit na inoobserba ang four-kilometer-radius permanent danger zone at ang mga residente ay inaabisahan na magsuot ng mask dahil sa nararanasang ashfall.

Facebook Comments