Nagbuga ng steam-laden plumes ang Bulkang Kanlaon sa Negros kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may taas na 200 meters ang usok.
Habang umabot na 136 na volcanic-tectonic earthquakes ang naitala ng PHIVOLCS malapit sa bulkan.
Apat dito ay may lakas na magnitude 3.2 hanggang 4.7.
Kasalukuyang nasa Alert Level 1 ang status ng bulkan.
Samantala, patuloy ding binabantayan ng PHIVOLCS ang Bulkang Mayon sa Albay na hanggang ngayon ay nagpapakita pa rin ng senyales ng pamamaga at pamumula ng crater.
Nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan.
Habang wala nang namo-monitor na unusual acitivity sa Bulkang Taal sa Batangas.
Facebook Comments