Bulkang Kanlaon, tatlong beses na nagbuga ng volcanic ash —PHIVOLCS

Tatlong beses na nagbuga ng volcanic ash o abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island kahapon, October 19, 2024.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumagal ng ilang minuto ang naitala na ashing events sa bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Habang may naitala rin na 17 volcanic earthquake o pagyanig at paglalabas ng gas o sulfur dioxide flux na aabot ng 3,244 na tonelada.


Nagbuga rin ang Bulkang Kanlaon ng 500 metrong taas na plume at nakitaan din ng pamamaga ang bulkan.

Nananatiling nasa Alert Level 2 ang bulkan, pero sinabi ng PHIVOLCS na hindi rin inaalis ang posibilidad ng eruptive unrest at pagtaas ng alert level dahil sa kasalukuyang aktibidad nito.

Facebook Comments