Bulkang Mayon, 2 beses na nagbuga ng abo kahapon

Binabatayan ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang aktibidad ng bulkang Mayon.

Ito ay kasunod ng dalawang beses na pagbuga ng abo nito kahapon ng umaga.

Ayon kay Phivolcs Resident Volcanologist Ed Laguerta – nagkaroon ng phreatic eruption ang Mayon.


Dahil sa banta ng bagyong Usman, binabantayan din ng pamahalaang lokal ang posibleng pagragasa ng lahar.

Dagdag pa ni Phivols Director Renato Solidum – inaalam din kung may bagong deposito sa ilalim ng bulkan na posibleng magresulta sa malakas na pagsabog.

Pinapayuhan ang mga gustong umakyat sa bulkan na ipagpaliban muna ito.

Nananatiling nasa alert level 2 ang Mayon.

Facebook Comments