Bulkang Mayon, babantayan kasunod ng Eastern Samar earthquake

Babantayan ng Philippine Volcanology and Seismology (PHILVOLCS) ang bulkang Mayon kasunod ng pagtama ng magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar at ilang bahagi ng Visayas kahapon.

Ayon kay Mayon Resident Volcanologist Ed Laguerta – aalamin ng PHIVOLCS kung may direktang epekto ang lindol sa bulkan.

Aniya, wala pa silang naitatala sa kanilang instrumento na sumusukat sa aktibidad ng bulkan.


Tiniyak ng PHIVOLCS na tututukan nila ang seismic activity ng aktibong bulkan.

Facebook Comments