Saturday, January 31, 2026

Bulkang Mayon, itataas na sa Alert Level 3

Itataas na sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon dahil sa patuloy na pag-igting ng aktibidad nito.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakitaan na ng pagsisimula ng dome collapse ang bulkan na nagdulot ng pyroclastic density current, na tinatawag ding “uson.”

Dahil dito, patuloy na pinapayuhan ang publiko na umiwas sa 6-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at ng PHIVOLCS.

Facebook Comments