Bulkang Mayon, nakapagtala lang ng isang volcanic earthquake

Courtesy: PHIVOLCS-DOST

Bahagyang humupa ang aktibidad sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa 24-hour monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), isa lang ang naitalang volcanic earthquake ngayon sa bulkan mula sa higit 100 pagyanig kahapon.

Gayunman, umakyat naman sa 372 ang rockfall events at mayroon ding 7 dome-collapse pyroclastic density current events.


Nagpapatuloy rin ang lava flow sa bunganga ng bulkan na umabot sa 1.6 km sa Mi-isi Gully at 1.2 km sa Bonga Gully.

May pagguho rin ng lava hanggang 3.3 km mula sa crater ng Mayon Volcano.

Sa kabila nito ay hindi pa nakikita ng PHIVOLCS ang pangangailangan na iakyat ang alert level sa Bulkang Mayon.

Facebook Comments